sa pinakalikuran at gitnang bahagi ng malaking school service vehicle. Tumama agad ito sa bubungan ng malaking sasakyan. Ilang iglap lang ay mabilis itong nabutas, ni hindi nga ito naglikha ng usok o ingay man lang. Tapos ay bigla ring naglaho ang asul na liwanag at agad na pumalit at lumabas mula sa itaas at gitna ng dibdib ni Xander ang manipis at kulay gintong lubid. Nagtuloy-tuloy agad ito sa maliit na butas at mabilis na pumasok dito. Pagkapasok na pagkapasok nito sa loob ng malaking school service vehicle. Kusang napapikit ang mga mata ni Xander habang nakalutang malapit sa malaking sasakyan. Nabigla siya sa kanyang natuklasan, nakikita na niya ngayon ang loob ng malaking school service vehicle, nakita niyang nag-iiyakan ang mga kaawa-awang mga bata. Nagtuloy-tuloy pa sa loob