Lumapit pa nang lumapit si Xander sa malaking school service vehicle. Habang nakalutang sa malapit nito ay agad itong nag-isip kung ano ang gagawin niya matapos mapag-alamang hino-hostage ang maraming mga bata ng nag-iisang hostage-taker.  Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin kaya nagbakasakali na muna siya.  Huminga siya nang malalim tapos ay agad na ibinuka nang mabilis at malakas ang kanyang mga palad sa kanyang tagiliran.  Pero imbis na lumabas ang manipis na lubid mula sa itaas at gitna nang kanyang dibdib, ang asul  na liwanag ang agad na lumitaw.  Nagulat si Xander sa kanyang nakita.  Gumalaw-galaw din ito parang may sariling buhay, tila isa itong gumagalaw na latigo.  Ilang sandali lang ay bigla itong naging tuwid at mahabang liwanag at agad na nagtuloy-tuloy