ng sasakyan ang lubid at kataka-takang hindi nila ito napansin dahil nagbago ang kulay nito at ginaya ang kulay puting pintura ng loob ng malaking school service vehicle, dahan-dahan pa itong gumalaw papuntang gitna ng bubungan ng sasakyan. Nakita rin niya ang balisang hostage-taker, kay tinatantyang mabuti ni Xander ang kanyang mga susunod na gagawin, ayaw niyang magkamali dahil nakasalalay sa kanya ang kaligtasan ng napakaraming mga inosenteng bata na kanina pa nag-iiyakan sa sobrang takot sa hostage-taker. Muling nagalit ang hostage-taker sa lalo pang lumalakas na iyakan ng mga bata. Kaya muli na naman niyang pinagpapalo ng baseball bat ang ilang bahagi ng school service vehicle malapit sa kanyang kinatatayuan. Tumalikod siya bigla at muling pinagpapalo ang bakanteng