pahayag ng nakangiting si Xander, kaya isa-isang lumapit kay Xander ang mga bata. Yumakap agad ang isang cute na cute na batang babae kay Xander at agad siyang hinalikan sa pisngi. Kaya yinakap rin ito ni Xander nang bahagya. Tapos ay agad itong kinarga ni Xander sa kaliwang bisig. Lumakad siya pabalik sa nakabukas ng pintuan. Nakita ng mga nag-aabang na mga usyosero at usyosera ang paglabas ni Xander mula sa malaking sasakyan karga-karga ang napaka-cute at nakangiting batang babae. Nagsunuran namang lumabas ang iba pang mga bata at paisa-isa silang tumalon mula sa pintuan palabas ng malaking school service vehicle. Sinalubong naman agad ang mga nailigtas na mga bata ng kani-kanilang mga magulang na kanina pa nag-aalala para sa kaligtasan ng kani-kanilang mga anak. Halos sabay-sabay