nilang isinigaw kay Xander ang kanilang taos-pusong pasasalamat para sa mabilis niyang pagsagip sa kani-kanilang mga anak.  
             Nang biglang may usyoserang sumigaw nang malakas, "Eroplano, mababagsakan tayo ng eroplano!"
            Nagulantang ang lahat ng mga tao sa malaking Football Field, may isang malaking eroplano na mabilis na bumbulusok papunta sa kinalalagyan nila.  Tumingala si Xander at nakita niya ang mabilis na pagbulusok ng malaking eroplano.  Hindi na siya nagsayang nang kahit ilang sandali, mabilis siyang lumipad paitaas.  Sinalubong ni Xander ang eroplano at nang malapit na ito sa kanya ay agad niya itong sinalo at binuhat mula sa gitna at ilalim.  Buhat-buhat ni Xander ang malaking eroplano gamit ang kanyang dalawang