Mula sa itaas habang patuloy siyang pinapanood ng mga usyosero at usyosera, huminga muli ng malalim si Xander at agad na umikli at bumalik papasok sa kanyang dibdib ang manipis na lubid. Pagkatapos ay mabilis na lumipad si Xander pababa, patungo sa nakasarado pa ring pintuan ng malaking school service vehicle. Pagkasayad na pagkasayad ng mga paa ni Xander sa lupa at harapan ng pintuan ng malaking sasakyan, agad niya itong binuksan gamit ang kanyang dalawang kamay.
Sa wakas ay nabuksan na ni Xander ang pintuan ng school service vehicle. Tahimik pa rin ang mga usyosero at usyosera sa paligid. Humakbang paakyat sa loob ng sasakyan si Xander.
"Mga bata ligtas na kayo, maari na kayong lumabas,"