niya agad ito at dinala sa negotiator, binasa niya agad ito. 'Magsisimula na kaming mag-party ng mga bata at habang nagpa-party kami gusto ko tawagin niyo si Mayor Donato at sabihin niyong nanghihingi ako ng kunting perang pang-negosyo saka scholarship para sa anak kong batang babae, saka hihingin ko rin iyong maliit na lupang kinatitirikan ng maliit kong barong-barong na alam ng lahat ng pag-aari niya. Magpa-party kami ng mga bata sa loob ng 30 minuto at gusto pagkatapos nito andito na ang idolo kong mayor dahil kung hindi pagbababarilin ko ang lahat ng mga batang ito. Agad namang ipinatawag ng negotiator si Mayor Donato dahil nasa malapit lang naman ito sa pagkakaalam niya. Nanahimik ang lahat, habang pinakikiramdaman ang nangyayaring kasayahan ng mga bata kasama ng nag-iisang