hostage-taker at nagsimula na ring magsidatingan ang mga nag-aalalang magulang ng mga batang hostage. Marami sa kanila ang hindi mapigilan ang pag-iyak dahil sa sobrang pag-aalala para sa kaligtasan ng kani-kanilang mga anak. Ang iba nama'y medyo galit at naiinip na dahil hindi pa rin nagagawang palayain ng mga pulis ang kanilang mga mahal na anak.
"Sir talaga bang darating pa iyong inutusan niyong mga pulis kasama si Mayor Donato, baka mamaya may nangyayari nang masama sa anak ko!" nag-aalalang tanong ng isang ina habang kinakausap ang negotiator.
"Huwag po kayong mag-alala m'am, ginagawa namin lahat ng makakaya naming gawin para siguraduhin ang kaligtasan ng inyong mga anak, saka siguradong babalik agad