kinaroroonan ng hostage-taker basta nakabukas lang nang bahagya ang pintuan nito.  Nakataas ang mga kamay ng ilang mga pulis sa likuran ng mga may dala ng mga pagkain.  Maingat nila itong ipinasok sa loob ng school sevice vehicle na hindi pumapasok sa loob nito. Inaabot lang ng kanilang kamay ang kanilang mga pinamili sa loob.  Ingat na ingat sila na hindi magalit ang hostage-taker sa kanila sa takot na baka bigla itong magwala at pagbabarilin ang mga walang kamuwang-muwang na mga bata.  Matapos nilang maipasok ang lahat sa loob ay agad na nagsara ang pintuan ng school service vehicle.  Pagkasara na pagkasara ng pintuan ng bus ay agad napansin ng lahat na may nahulog na panibagong papel mula sa loob nito.  Agad namang bumalik ang isang papaalis na sanang pulis para kunin ang panibagong papel.  Pinulot