nilang patay ng mayor at ang natutulog na hostage-taker.Agad namang umakyat papasok ng school service vehicle ang ilang mga pulis para kunin ang katawan at wala pa ring malay na mayor. Magkasabay na binuhat ng mga pulis ang dalwang katawang nakahiga sa sahig ng school service vehicle. Magkasabay ring nagising ang dalawang katawan. At magkasabay ring nagtitigan ang dalawa ang isa’t isa. Itinaas ng mayor ang kanyang kamao sa galit niya. Subalit pinagtawanan lang siya ng baliw. Dinala ng mga pulis ang dalawa pababa ng school service vehicle. Sa football field ay tumayo ang dalawa at tiningnan ang isa’t isa. Bigla na lang sinubukang suntukin ng mayor ang baliw. Mabuti na lamang at mabilis siyang napigilan at nahawakan sa braso at pinilipit sa likuran ng mayor. Natuwa ang mga taong naroroon sa