nakita nilang eksena. Bigla namang may dumating na tatlong mga binata at nilapitan ang mayor at ang baliw.
          “Sandali, natatandaan ko kayong dalawa, ikaw iyong tatay ng kaawa-awang walang malay na bata na iniwanan ng mamang ito kasama ng kanyang mga tauhan sa may tulay isang hapon na namumulot kami ng mga lata at bote malapit dito,” malakas na sabi ng isang binata.
          “Nagsisinungaling ka!” sigaw ng mayor sa binata.
           “Hindi siya nagsisinungaling, nakita ka rin naming!” malakas na sabat ng dalawa pang scavengers sa galit nag alit na mayor. Tuwang-tuwa ang mga tao roon dahil sa palagay nila ay tuluyan ng mapaparusahan at makukulong si Mayor Donato sa kanyang mga pagkakasala sa lipunan. Naisip rin ng