naubos na kami lahat dito..." mahinang bulong ng isang usyosero. Palakpakan naman agad ang lahat ng mga tuwang-tuwang mga usyosero at usyosera maging ang negotiator at ang kanyang mga kasamang pulis ay nagpalakpakan din habang paisa-isang bumababa ang kanina'y mga takot na takot na sakay ng dalawang malalaking eroplano. Tumakbo silang lahat para salubungin ang papalapit sa kanilang si Xander. Agad namang nag-cover ang lahat ng mga taga-media pilit nilang kinukunan ang bawat hakbang ni Xander. Ang ilan sa kanila ay pinuntahan naman ang dalawang malalaking eroplano at ang school service vehicle, tumambad sa harapan nila ang walang malay na Mayor at hindi kalayuan nito ay ang tulog pa ring hostage-taker. Kaagad na umakyat ang mga pulis para kunin ang katawan ng inaakala