kamay, dahan-dahan at maingat niya na itong ilalapag sa lupa nang biglang may sumigaw na namang usyosera nang, "Eroplano, mababagsakan tayo ng eroplano!" Nakita ni Xander na may isa na namang eroplanong pabagsak sa Football Field. Binitiwan ni Xander ang buhat-buhat niyang malaking eroplano sa himpapawid, ibinuka niya ang kanyang mga palad nang mabilis at malakas, lumabas ang manipis na lubid at
agad na hinabol ang ngayo'y pabagsak na namang naunang eroplano, agad na pinuluputan at binuhat. Lumipad si Xander nang pagkabilis-bilis paitaas at sa isang iglap lang nasalo niyang muli ang ikalawang pabagsak na eroplano. Buhat-buhat ni Xander ang pangalawang eroplano ng dalawa niyang mga kamay sa ilalim at gitna nito habang