"Ako nga!" at walang kaabog-abog na kaagad sinuntok sa mukha ang mayor ng galit na galit na hostage-taker, nabuwal ito at nawalan ng malay.
             Nag-iyakan at nagsigawan agad ang mga batang nakakita sa pananakit at panununtok ng inaakala nilang kaibigan.  Nag-iyakan sila nang nag-iyakan takot na takot ang mga ito.  


             Pinagmasdang mabuti ng hostage-taker ang wala pa ring malay na mayor.  Lalo pang lumakas ang iyakan ng mga bata. Bigla namang tumawa nang tumawa ang hostage-taker habang patuloy na pinagmamasdan ang nakahandusay sa sahig na mayor.  Tuluyan na itong nabaliw at hinarap ang