Nginitian agad ng mayor ang hostage-taker at ngumiti rin naman agad pabalik ang hostage-taker sa kapapasok pa lang na mayor.  Tiningnan munang mabuti ng mayor ang mga batang patuloy na kinakain ang mga hinanda para sa kanila.
             "Ano bang maipaglilingkod ko sa iyo ha, magsabi ka lang at kung kaya ko naman ay ibibigay ko agad sa 'yo pakawalan mo lang ang mga batang ito..." pabulong pa nitong pahayag sa hostage-taker dahil ayaw niyang malaman ng mga bata na hino-hostage sila.
             Biglang nagtanggal ng suot-suot na sumbrero ang hostage-taker.
             "Ikaw!" sambit ng gulat na gulat na mayor.