mga takot na takot na bata. "Huwag kayong maingay natutulog ang anak ko, pssst... tahimik baka magising ang anak ko..." bulong pa nito sa mga batang umiiyak.
Subalit lalo pang lumakas ang iyakan ng lahat ng mga bata sa loob ng malaking school service vehicle. "Ano ba sabi nang tumahimik kayo at nagtutulog ang anak ko!" utos nito habang pinagpapalo ng baseball bat ang sahig ng school service vehicle malapit sa kanyang kinatatayuan.
Lalo pang lumakas ang iyakan ng mga bata. Biglang tumalikod ang hostage-taker at pinagpapalo naman ang isang driver’s seat at ilan pang bahagi sa harapan ng malaking school service vehicle.