upuan malapit sa kanya.  Gumalaw pa ng bahagya ang manipis na lubid para malapitan ang nagwawalang hostage-taker.  Humarap bigla ang tuluyan na ngang nabaliw na hostage-taker sa wala malay na mayor.  
            "Pinatay mong anak ko, kaya dapat patayin ko rin ang anak mo!" malakas na sigaw nito habang galit na galit na pinagmamasdan si Mayor Donato. Kaya bigla siyang tumalikod at mabilis na binalikan ang mga nag-iiyakang mga bata.  Agad niyang hinablot ang isang batang lalake na hindi naman kaanu-ano ng ni Mayor Donato pagkatapos ay mabilis na kinaladkad ang umiiyak na bata pabalik sa walang pa ring malay na mayor.  "Ngayon ipapatikim ko sa 'yo kung gaano kasakit ang mamatayan ng pinakamamahal na anak!" sigaw ng nagwawalang hostage-taker habang patuloy na umiiyak