binabalanse at binubuhat naman ng manipis na lubid ang isa pa. Ang dalawang eroplanong ito ay magkasunod na inatake ng napakalaking grupo ng mga ibon na nagmula pa sa ibang bansa at nagpunta rito sa Pilipinas para makaiwas sa taglamig at makahanap ng makakain. Maingat at dahan-dahang lumipad si Xander pababa sa Football Field buhat-buhat ang dalawang naglalakihan at nagbibigatang mga eroplano. Unang ibinaba ng manipis na lubid ang naunang eroplano at ilang saglit lang naibaba na rin ni Xander ang pangalawang eroplano. Gulat na gulat ang lahat sa mga nasaksihan nila, magkahilira na ngayon ang malaking bus at ang dalawang malaking eroplano sa loob ng Football Field. "Napakalakas pala talaga nitong si Super Xander... mabuti na lang nasalo niya pareho ang eroplano kung hindi malamang