Chapter 26
Walang kamalay-malay ang lahat ng mga tao sa labas ng malaking sasakyan kung ano ang nangyari sa loob nito. Sinubukan ni Xander na pindutin ang button para magbukas na ang pintuan ng malaking sasakyan sa gilid nito sa pamamagitan ng kanyang manipis na lubid mula sa kinaliliparan niya sa labas nito sa loob ng malaking football field. Subalit sa kapapapalo kanina ng hostage-taker ay nasira na ito at hindi na gumana, hindi nabuksan ni Xander ang pintuan ng malaking school service vehicle.