kanyang bitbit na panibagong papel.
"Manong asan na nga po pala iyong dating driver namin ha?" tanong ng isa pang bata na mahilig sa Oreo kasabay ng Bear Brand tuwing umaga at malapit sa hostage-taker.
"Nagkasakit kasi iyong isa niyang anak na babae kaya pinakiusapan niya akong pumalit na muna sa kanya, saka pagaling na rin naman daw ang anak niya kasi nakabili na siya ng gamot sa Mercury Drug. Gusto raw kasi niyang matuloy ang excursion niyo dahil mababait kayong mga bata," maagap na sagot naman agad ng naiinip ng hostage-taker at tuluyan nang inihulog ang panibago niyang mensahe palabas ng malaking school service vehicle.