"Pag nagpa-party kami sa bahay parating bida ang Coke," dagdag ng isang batang nakasuot ng Swatch na relo.
                "Ha, maski naman sa amin bida rin ang Coke tuwing may party kami," hirit naman ng isa pang batang puno ng Fibisco Biscuits ang gamit na bag. 
                "Kayo talagang dalawa maski naman saang party bida talaga ang Coke," natatawang biro ng batang ang puputi ng mga ngipin dahil sa Colgate at may maraming Nestle Yogurt sa loob ng kanilang GE Refrigerator sa bahay.
               Tiningnan ng hostage-taker ang kanyang relong Omega.  Tapos ay tumalikod sandali at may isinulat sa isang maliit na papel. 
               "Kain lang nang kain mga bata, marami pa dito!" pahayag ng balisa ng hostage-taker habang inihuhulog ang