Chapter 23

                      "Sir may nahulog na namang papel mula sa loob ng malaking bus!" malakas na sigaw ng isa pang usyoserong may GE Electric Fan sa bahay.   
                     Tumakbo naman agad ang pulis at pagkalapit niya and as manly as he could, ay kinuha niya ito mula sa lupa. At pagkatapos ay mabilis na tumakbo pabalik ang nasabing pulis dala-dala ang maliit na papel at kaagad itong iniabot sa negotiator.
                    Binasa kaagad ang nakasulat sa panibagong papel ng lead-negotiator. 'Pare may tatlong minuto na lang kayong natitira, kung hindi alam n'yo na kung ano ang mangyayari.