Chapter 24
Pagkalapit na pagkalapit nito sa pintuan ng malaking bus ay agad itong nagbukas. Lumingon siya sandali sa maraming usyosero at usyosera at kumaway-kaway pa ito sa kanila. Tapos ay sumilip sandali sa loob ng school service vehicle. "O pare papasok na ako, mag-usap tayo lahat naman ng problema ay nalulutas sa mabuting usapan," umpisa nito habang papaakyat na sa malaking sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ay agad na sinalubong siya ng hostage-taker na nakasuot ng malaking sombrero, natatakpan ang mukha nito habang nakatungo sa sahig.