relo,"
                 "May nagbabantay po sa inyo manong?" nagtatakang tanong ng bata sa hostage taker.
                 "Oo ganon talaga kaming mga mayayaman, maraming bodyguards," nakangiting sagot ng hostage-taker sa bata.
                 "Siguro ang laki-laki ng bahay niyo ano?" nabibilib na tanong ng bata.
                 "Oo naman, sobrang laki ng bahay ko, saka ang dami ng mga kwarto, lampas isang daan," sagot naman kaagad ng hostage-taker.
                  "Naku ang dami naman, kami nga isang kwarto lang sa bahay eh.  Siguro marami kayong nakatira doon ‘no?"