"Oo maraming-marami kami roon, saka ang dami-dami ring empleyado, lampas 50 saka lahat unipormado, pati nga ako at ang mga kasama ko sa malaking bahay nakauniporme din," natatawang sagot ng hostage-taker.
                 "Ang galing naman pala...”
                 “Tuloy niyo na muna ang pagkain niyo, iyang mga halo-halo naman ang kainin niyo, masarap ang mga iyan may ice cream pa sa dulo," pahayag uli ng medyo naiinip ng hostage-taker. 
                "Ang lamig at ang sarap-sarap talaga nitong Chowking halo-halo ko, ito talaga ng binibili sa akin ng mama at papa ko tuwing lalabas kami," takam na takam na sabi ng batang naka-Converse Shoes.