Napuna ng mga magagandang dalaga ang masayang reaksyon ng mga bata kaya gumaya kaagad sila at gumawa rin ng sarili nilang malaking fight scene. Nagsuntukan din sila at pinagtatadyakan ang isa’t isa. Napabilib kaagad ang mga bata sa magagandang kadalagahang nagka-karate sa harapan nila. Salit-salitang pinapanuod ng mga bata ang fight scene ng mga binata at mga dalaga sa harapan ng malaking school service vehicle.
Maya-maya lang ay nakita ng mga tao na sumesenyas na ang hostage-taker na itigil na ang kunwaring shooting dahil mukhang nakumbinsi na niya ang mga bata na may shooting nga sa lugar na iyon. Agad namang nag-vow paharap sa mga bata ang napiling mga artista. Tapos ay isa-isang isinara ng mga ito ang mga maliliit na kurtina ng