na siya ng himpapawid at tanaw na tanaw niya na rito ang malaking grupo ng mga taong nakapalibot sa malaking bus sa isang malaking Football Field.  Napansin niyang nagkakagulo na ang mga tao, maging ang maraming mga pulis ay hindi na rin mapakali, hindi nila malaman kung ano ang kanilang gagawin matapos marinig ang malakas na pagsigaw at pag-iyak ng mga batang hostages sa loob ng malaking school service vehicle. Nananatili pa ring sarado at nakatakip ng mga maliliit na kurtina ang malaking sasakyan. Lumapit pa ng bahagya si Xander sa malaking school service vehicle.