Agad na pumili ang negotiator ng tatlong magagandang babae na ang dalawa ay naka-Bench Perfume at tatlong makikisig na mga binata na gumagamit ng Master Facial Wash. "Kayo-kayo nang gumawa nang mga script n'yo, may tiwala ako sa inyo, kaya niyo 'yan. Tandaan niyo nasa panganib ang mga bata at nasa kamay natin ang kaligtasan ng mga ito."
Medyo nag-alangan agad ang ibang mga napiling gaganap bilang mga artista sa narinig mula sa lead-negotiator subalit dahil sa kagustuhan nilang makatulong at mailigtas ang mga bata ay itinuloy pa rin nila ang kanilang kunwaring movie shooting.
"Medyo lumapit-lapit kayo sa bus nang mapanuod kayong mabuti nang mga bata," utos ng negotiator habang