ibalik sa Mental Hospital para doon ay muling gamutin. Kinukuhanan ng mga reporters ng videos ang lahat ng mga kaganapan para agad na maibalita sa kani-kanilang mga TV Stations. Labasan naman muli ng kani-kanilang mga cell phone at pinagkukuhang muli ng pictures at videos ang nakangiting si Xander ng mga usyosero at usyosera. Kanya-kanyang hatak ng mga batang mai-interview ang mga TV reporters kasama ng kani-kanilang mga cameraman.
Kaagad namang nilapitan ng nakangiting negotiator si Xander at kinamayan ito bilang pagbati at pagpuri nito sa kanya. Kaagad namang kinunan ng letrato ng mga excited na mga tao roon ang lead-negotiator na nakangiti at kumakamay kay Xander. Ngumiti lang si Xander sa maraming mga taong kumukuha ng kanilang mga letrato at video.